??? ????????? ?? ??????, ????? ??????? ?? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinupok ng apoy ang higit walumpung kabahayan sa Papilon Street, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal kahapon, Marso 17, 2023.

Dakong alas-5:50 ng hapon nang magsimula ang sunog. Sa bilis ng pagkalat ng apoy, agad na nagpasya ang Bureau of Fire Protection (BFP) na itaas ito sa ikatlong alarma.

Ayon sa Taytay BFP, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil gawa ang mga bahay sa light materials o mga kahoy na madaling magliyab.

Idiknelarang fire out ang sunog alas-8:18 ng gabi at patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan nito maging ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Aabot sa 96 na pamilya ang naapektuhan ng sunog na nanunuluyan ngayon sa Brgy. Muzon Covered Court.

Nagpadala naman agad ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Taytay kagaya ng tents, mga pagkain, gatas at diaper naman para sa mga batang nanunuluyan ngayon sa evacuation center. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us