????, ??? ??????? ?? ??? ????????? ?? ???????? ??? ????????? ??????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista hinggil sa isasagawang pagkukumpuni sa ilang pangunahing lansangan sa Kamaynilaan ngayong weekend.

Ito’y kasunod ng gagawing road reblocking and repairs epektibo alas-11 ng gabi ng Biyernes hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes.

Kabilang sa mga isasailalim sa pagkukumpuni ay ang EDSA Northbound mula sa bahagi ng Mahal Kita Hotel patungong Taft Avenue sa Pasay City.

Gayundin ang gagawing pag-aalis sa aspalto sa pamamagitan ng rotomilling sa Commonwealth Avenue Southbound mula sa Zuzuaregui Street patungong Luzon Avenue.

Maging sa Lanuza Avenue malapit sa Doña Julia Vargas Barangay Ugong sa bahagi ng Valle Verde 5 at sa paglagpas naman ng C-5 Road Doña Julia Vargas intersection.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang lakad ngayong weekend upang maiwasan ang anumang abala. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us