????, ???????? ??? ????????? ?????? ????? ?????? ??????? ??? ?????-??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang iba’t ibang transport group ngayong araw.

Ito ay makalipas ang isang linggo matapos ang ikinasang tigil-pasada ng mga grupong Manibela at Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), noong Marso 6 na tumagal lang ng dalawang araw.

Kabilang sa mga pinulong ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Romando Artes at MMDA General Manager Procopio Lipana, ang mga transport group na sumusuporta sa public utility vehicle (PUV) Modernization program.

Ilan sa mga dumalo rito ay sina: PASANGMASDA National Pres. Roberto “Ka Obet” Martin, ACTO National Pres. Liberty de Luna, FEJODAP Pres. Boy Rebano, STOP & GO Coalition Pres. Zaldy Ping-ay, ALTODAP National Pres. Boy Vargas, at LTOP Pres. Orlando Marquez.

Ipinaabot ni Chairperson Artes ang suporta ng MMDA sa mga nabanggit na transport group, at tiniyak ang kahandaan nilang tumulong sa kanilang mga hinaing para sa maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us