Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na nasa most wanted list sa kanilang ikinasang manhunt operation sa Navotas City.
Kinilala ang akusado na si Jun Jun Roxas y Locsin, 32 taong gulang, residente ng Brgy. Santa Rita Matanda, San Miguel, Bulacan.
Dinakip si Roxas sa Market 2, Brgy. NBBS Proper, Navotas City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jimmy Edmund G. Batara, presiding judge ng RTC Branch 72, Malabon City para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Pansamantalang nakakulong ngayon ang akusado habang hinihintay ang kaniyang committment order sa city jail. | ulat ni Janze Macahilas