?????? ?????? ????, ?????? ?? ???????? ?? ?????? ???? ?? ??????? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na binuksan ngayong araw, March 21, ang Muslim prayer room sa Kamara bilang pakikiisa sa banal na buwan ng Ramadan.

Ang Conference Room 6 sa RVM Building ang itinalaga bilang prayer room.Pinangunahan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Representatives ang pagpapasinaya sa silid dasalan.

Malaki ang pasasalamat ni Maguindanao with Cotabato City Rep. BAI Dimple Mastura sa suporta ni House Speaker Martin Romualdez, na malaya nilang maipahayag ang kanilang pananampalataya.

Ayon kay Mastura, kaya niya itinulak ang pagkakaroon ng Muslim prayer room, dahil maraming Muslim staff at employees na lumalapit sa kanya para sa pagkakaroon ng lugar kung saan sila maaaring magdasal.

โ€œI think ito raw po yung kauna-unahang Muslim prayer room po sa House of Representatives. Actually ang nag-motivate po talaga sa akin, marami po talagang lumalapit sa akin na mga Muslim staff, Muslim employees dito po sa House of Representatives so ito po yung nag-udyok sa akin na ma-push through talaga na magkaroon ng prayer room dito sa HREP.

Umaasa naman ang lady solon na maisakatuparan ang permanenteng Muslim room.

Aniya, mayroong building na itinatayo sa Batasang Pambansa complex at doon itatalaga ang permanent prayer room.

Ikinalugod din ni Lanao Del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang napapanahong pagbubukas ng naturang silid-dasalan.

Aniya, isa sa mahalagang sandigan ng paniniwalang Muslim lalo na sa paggunita ng Ramadan ang limang beses na pagdarasal.

Kaya naman ang pagbubukas na ito ng silid-dasalan ay malaking bagay para sa kanila. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us