Sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat bigyang atensyon at pag-isipang mabuti ng ating bansa ang naging reaksyon at pahayag ng gobyerno ng China tungkol sa pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Matatandaang nagkasundo ang ating bansa at ang US na magdagdag ng apat na lokasyon na pagdadausan ng EDCA training.
Ayon kay Pimentel, dapat suriin at pagnilayan ng ating gobyerno ang coverage ng ating Mutual Defense Treaty sa US.
Para naman kay Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Imee Marcos, ang mas mahalagang katanungan ay kung magagamit ba ng US ang EDCA sites para maka-atake sakaling lumala ang tensyon at magkaroon ng kaguluhan sa Taiwan.
Pangamba ni Senadora Imee, kung ang EDCA sites ay gagamiting staging areas ng US military intervention sa Taiwan ay maaaring madamay ang ating bansa sa kaguluhan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion