???????? ??????????? ???????, ???????? ?? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 292 affirmative votes ay tuluyan nang pinagtibay ng Kamara sa third at final reading ang House Bill 7240 o panukalang National Government Rightsizing Program (NGRP).

Ang Rightsizing ay isa sa priority measure ng Marcos Jr. administration.

Nilalayon nitong pasimplehin at i-modernisa ang sistema at proseso ng serbisyo publiko ng pamahalaan at magamit ng tama ang resources ng gobyerno sa pamamagitan ng merging, restructuring, o abolition ng government agencies na may magkakahalintulad o overlapping na mandato.

Bibigyang kapangyarihan ang Pangulo ng Pilipinas na gumawa ng pagbabago sa organizational structure ng mga ahensya sa pamamagitan ng itatatag na Committee on Rightsizing.

Bubuoin ito ng Executive Secretary bilang Chair, kasama ang mga kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), Chair ng Civil Service Commission at Director General ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Matapos ang tatlong taon ay matatapos ang kapangyarihang ito at mabubuwag ang komite.

Mapapasailalim sa NGRP ang Executive Branch kasama ang departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils at government-owned and controlled corporations.

Ang ibang sangay ng pamahalaan gaya ng Lehislatura, Judiciary, Constitutional Commissions at Office of the Ombudsman, maging lokal na pamahalaan, ay hindi obligado, ngunit maaaring magpatupad ng rightsizing kung nanaisin.

Hindi naman kasama sa rightsizing ang teaching o teaching related positions sa elementarya, sekondarya technical vocational schools, state universities and colleges at non-chartered tertiary schools; medical items sa mga ospital at iba pang medical facilities; at military o uniformed personnel sa Department of National Defense, Department of Interion and Local Government, Department of Transportation, DENR, at Department of Justice.

Ang mga empleyadong maaapektuhan ng NGRP ay bibigyan ng retirement benefits, separation incentives at retooling para sa posibleng reappointment o reemployment.

Bubuo ng isang Joint Congressional Oversight Committee na siyang magbabantay at mage-evaluate sa tamang implementasyon ng NGRP. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us