Palalakasin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang presensya ng pulis sa mga barangay sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni NCRPO Chief PMGen. Edgar Alan Okubo, kasabay ng paglulunsad nila ng Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) course sa Taguig City.
Sa ilalim ng programang ito, 7 araw na sasailalim sa pagsasanay ang 240 pulis mula sa 5 police district sa Metro Manila upang magkaroong ng wastong kaalaman ang mga ito para makatulong sa programa ng mga local government unit (LGU).
Layon din nitong tulungan ang mga barangay sa implementasyon ng kanilang mga serbisyo alinsunod sa Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran program ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr.
Iginiit ni Okubo ang kahalagahan ng mga kaakibat na mga national agencies para masolusyunan ang mga isyu at problema ng komunidad para sa pagsusulong ng kapayapaan. | ulat ni Janze Macahilas