NCRPO, nais palakasin ang police visibility sa barangay communities sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaigting ang pagsugpo sa krimen sa mga barangay communities sa kalakhang Maynila nais palakasin ng National Captial Region Police ang police visibility sa bawat barangay sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Edgar Allan Okubo na nais nilang buhayin ang revitalized police sa barangay program upang mabilis na makaresponde sa mga komunidad sa anumang krimen na magaganap sa bawat barangay.

Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong so Okubo sa mga district directors ng NCRPO para sa naturang programa.

Dagdag pa ni Okubo, isa itong istratehiya para sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us