???-????, ???? ????????? ??? ???????? ?????-??????? ?? ???????? ?? ??? ??????? ????? ?????? ?? ???’? ????? ????? ?? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais palawigin ng National Task Force on the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAG) ang kanilang pagsupil ng mga armadong grupo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay NTF DPAG chairman at Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., ito’y sa kabila ng mga kabi-kabilang pagpatay at pag-abmush sa mga local government official sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dagdag pa ni Abalos na layunin nilang palawakin ang saklaw ng NTF-DPAG upang ang mga nagawa ng naturang task force sa Mindanao ay maramdaman din ng ating mga kababayan sa iba pang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, binigyang-diin naman ni Defense Senior Undersecretary Carlito G. Galvez na kinakailangan nang palawigin pa ng naturang National Task Force ang kanilang mandato upang makatulong sa pagsugpo ng mga masasamang elemento na nasa likod ng mga karahasan at pagpaslang sa mga naturang opisyal sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us