Kinumpirma ng Office of the House Speaker na natanggap nila ang apela ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo βArnieβ Teves para palawigin ang kanyang leave of absence.
Batay sa stamp ng letter of request, natanggap ito ng Kamara ngayong hapon, March 15.
Batay sa dokumento, dalawang buwang leave of absence, na magsisimula mula March 9, 2023, ang hinihingi ni Teves.
Ito aniya ay dahil sa βvery grave security threatβ sa kaniyang buhay at sa kaniyang pamilya.
Pagsisiguro naman ni Teves na siya ay babalik ng bansa oras na maaksyunan na ang banta sa kanyang buhay.
Hindi naman na tumugon ang tanggapan ng House Speaker kung anong aksyon ang gagawin sa hiling na ito ni Teves.
Hinihintay rin ang tugon ng Office of the Secretary General ukol dito.
Makailang ulit nang umapela si Speaker Martin Romualdez sa Negros Oriental solon na umuwi na ng bansa dahil sa March 9 pa napaso ang ibinigay na travel authority ng Kamara sa kanyang biyahe pa-Amerika. | ulat ni Kathleen Jean Forbes