Oil spill sa Oriental Mindoro, posibleng makaapekto na rin sa Verde Island Passage, ilan pang baybayin sa Batangas sa linggong ito

Facebook
Twitter
LinkedIn
?: BFAR

Pinangangambahan ng mga eksperto na makaapekto na rin sa Verde Island Passage at bahagi ng Batangas ang lawak ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental, Mindoro.

Sa bagong oil spill trajectory model forecasts na inilabas ng UP Marine Science Institute, natukoy na posibleng umabot sa Verde Island Passage ang oil spill pagtuntong ng Huwebes o March 16 dahil sa humihinang amihan.

Kilala ang Verde Island Passage bilang sentro ng marine biodiversity kaya nanganganib rito ang iba’t ibang yamang dagat at ilang endangered species kabilang ang hawksbill turtle, whale sharks, manta rays, dugongs, at taklobo.

Dagdag pa ng UPMSI, malaki rin ang tyansa na makaapekto na rin ang oil spill sa karagatang sako ng Calapan, Verde Island, at iba pang bahagi ng Batangas.

Nauna nang nagbabala ang UP Marine Science Institute (MSI) na posibleng malagay sa panganib ang mahigit 36,000 na ektarya ng coral reef at bakawan dahil sa lawak ng oil spill. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us