???-?????? ?????? ?? ???, ????? ???? ???????? ??????? ?? ??????????? ?? ??? ?????? ???????? ???? ??? ???. ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Philippine National Police (PNP) na agad na ipatupad ang one-strike policy sa mga opisyal at tauhan ng PNP sa mga lugar na magkakaroon ng karumal-dumal na kaso ng karahasan.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng mga naitatalang kaso ng assassinations ng mga halal na lokal na opisyal ng gobyerno.

Pinakahuling kaso na nga dito ang pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Iginiit ni Revilla na dapat magpatupad ng one-strike policy, kung saan otomatikong maaalis sa pwesto, ang mga pulis na mabibigong makatugon sa pamamaslang.

Ito ay gaya aniya ng kasalukuyang one-strike policy na pinapatupad sa mga kaso ng illegal gambling, lewd shows, at patupada.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat ring magsagawa ng agarang paglilinis ng kanilang mga tauhan para maalis ang mga tiwaling miyembro sa kanilang hanay na bulag na o di kaya ay sangkot na sa mga ilegal an aktibidad.

Sinabi ni Revilla na ang mga pagpaslang na ito ay direktang pambabalasubas sa umiiral na batas ng ating bansa at isang malaking sampal sa ating demokrasya. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us