????????? ?? ?????????? ??? ????, ????? ???? ????????? ???? ?? ?????-???? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si PBA Party-list Representative Margarita “Migs” Nograles na panahon nang pagtibayin at bigyang prangkisa ang motorcyle taxis.

Kasunod na rin aniya ito ng ikinasang tigil pasada ng transport group na tutol sa jeepney modernization program.

Aniya, nakita sa naturang strike ang pangangailangan ng alternatibong transportasyon.

โ€œWe are thankful that the presence of our motorcycle taxis like Angkas and Joyride mitigated the effect of the nationwide transport strike. Thousands of commuters were still able to get a ride using these motorcycle taxis. Clearly, the transport strike has shown us that while motorcycle taxis can be very convenient, they can be also very dangerous if not properly regulated,โ€ ani Nograles.

Dagdag pa ng lady solon, dahil sa bahagi na rin ng pang araw-araw na biyahe ng publiko ang motorcycle taxis ay mainam na pagtibayin na ang batas na layong i-regulate ang kanilang operasyon, bilang proteksyon na rin sa mismong driver at mananakay.

Maliban dito malaki rin ang ambag ng motorcycle taxi at motorcycle delivery service sa pagbubukas ng trabaho.

Noong nakaraang 18th Congress ay napagtibay na sa Kamara ang naturang batas ngunit hindi umusad sa Senado. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us