Itinataguyod ni Senador Raffy Tulfo na malayang makapagsuot ng pantalon ang mga babaeng mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Pilipinas para masiguro ang pagkakaroon ng gender-neutral uniform para sa lahat.
Sa inihaing Senate Bill 1986 ni Tulfo, layong lumikha ng mas inclusive na kapaligiran sa mga paaralan para sa lahat ng mga estudyante, anuman ang kanilang kasarian.
Ipinunto ng senador na dapat nang bigyan ng alternatibo ang mga kabataang babae sa tradisyunal na skirt uniform para maging mas komportable sila.
Tinukoy rin ng senador na ang mga palda para sa mga babae at pantalon para sa mga lalaki ay ginagamit bilang mga identifier ng dalawang kasarian at nagiging dahilan para magkaroon ng gender inequality.
Ang panukalang βPants for Her Actβ rin aniya ay napapanahon sa taunang dengue outbreak sa bansa, bilang ang pagsusuot ng pantalon ay isang mabisang panlaban sa mga kagat ng lamok na sanhi ng dengue.
Bukod pa rito, ang pagsusuot ng pantalon ay maaari ring makatulong para sa mga babaeng estudyante na maging komportable sa pagsakay ng motorsiklo at iba pang pampublikong sasakyan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion