?????????? ????????? ?? ??? ?????????? ??? ????? ?? ?????, ?????? ??????? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na magbigay seguridad sa mga halal na opisyal ng bayan.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo sa gitna na rin ng usapin ng malagim na pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 8 iba pa.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Fajardo na may mga opisyal nang lumalapit sa PNP upang tiyakin ang kanilang seguridad kasunod ng mga naitatalang karahasan.

Pero, paglilinaw niya, dadaan sa tamang proseso ang hirit na dagdag seguridad ng PNP sa mga opisyal at kung aprubado ito ni PNP Chief, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us