Pagbubukas ng library sa mga kulungan, pinapurihan ng Rizal solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang proyekto ng BJMP na magbukas ng library sa jail facilities bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Persons Deprived of Liberty (PDLs)

Ayon sa mambabatas, mahalaga na mabigyan ng oportunidad at access sa edukasyon ang mga PDL.

Hindi naman kasi para lamang sa pagpaparusa ang layunin ng kulungan ngunit para sa rehabilitasyon ng mga PDL.

Batay rin aniya sa Nelson Mandela Rule ng United Nations, iminamandato ang pagkakaroon ng mga silid-aklatan sa mga piitan.

“I laud the Bureau of Jail Management and Penology for this project. Sa tulong ng library project na ito ay mabibigyan ng oportunidad ang ating mga PDL na matuto at maging mas produktibong miyembro ng lipunan, Ang kulungan ay hindi lang para sa parusa. Ang isa pang mas mahalagang layunin ay ang rehabilitasyon ng mga PDL.” saad ng mambabatas.

Dagdag naman ng mambabatas, pagkakataon din ito upang mapagtuunan ng pansin ang kasalukuyang sitwasyon o kawalan ng mga pasilidad sa kulungan.

“Dahil papalapit na rin ang budget season, maganda rin ang timing para matanong natin kung natutupad ba ng pamahalaan ang responsibilidad nito sa PDL rehabilitation, at kung magkano ba ang kakailanganin para maging mas maayos ang kondisyon ng ating mga PDL.” dagdag ni Nograles

Kamakailan nang ilunsad ng BJMP ang programa katuwang ang United Nations Office on Drugs and Crime, kung saan makikinabang ang 13 jail facilities

20% ng mga libro ay legal resources, 30% ang vocational resources, 40% na fiction and nonfiction, at 10% na children’s books para sa mga bumibisitang miyembro ng pamilya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us