Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na wala pang pangangailangan para ilagay sa State of Emergency ang lalawigan ng Negros Oriental.
Ito ang inihayag ni Defense Officer-in-Charge, Senior Undersecretary Carlito Galvez makaraang ianunsyo nito ang pagbuo nila ng isang Special Task Force na siyang tutulong sa Pulisya na tugisin ang iba pang salarin sa Degamo slay case.
Pero nilinaw ni Galvez na ginamit lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang calling out orders para mapabilis ang pagtugis sa iba pang mga nasa likod ng krimen.
Aniya, hindi pa sapat ang kaso ni Degamo para gamiting pamantayan sa pagdedeklara ng State of Emergency, subalit malaki aniya ang pangangailangang maresolba ito sa lalong madaling panahon. | ulat ni Jaymark Dagala
?: DND FB Live