????????????? ?? ?????’? ????????? ?? ?-12 ???????, ??????? ??? ?? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga hakbang upang maimulat ang mga kabataan hinggil sa mga tamang impormasyon tungkol sa eleksyon.

Ito ang binigyang-diin ng Pangalawang Pangulo sa kaniyang pagdalo sa 2023 National Election Summit sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC) sa Pasay City kahapon.

Dito, sinabi ni VP Sara na welcome sa kaniya ang integration o pagkakabilang ng voter’s education sa kasalukuyang K-12 program sa mga paaralan.

Layunin aniya nitong maihanda ang mga kabataan hinggil sa tama at mga dapat nilang gawin sakaling tumuntong na sila sa edad kung saan, maaari na silang pumili ng mga susunod na pinuno ng bansa.

Una rito, pinapurihan ni VP Sara ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa tuwing sumasapit ang halalan na aniya’y nararapat lamang mabigyan ng angkop at maagap na kompensasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us