?????????? ?? ??? ???????? ?? ????????? ?? ??? ???????? ?? ???????? ?? ??????? ?? ?????-?? ????????, ???????????? ?? ?????? ???? ?????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinapos na ng Senate Blue Riboon Committee ang pagdinig nito tungkol sa COVID-19 vaccine procurement ng gobyerno noong kasagsagan ng pandemya.

Isa sa mga nakikitang rekomendasyon ni Blue Ribbon Committee Chairperson Francis Tolentino, ang pagbibigay ng bond para sa pagtatapon ng mga mag-eexpire na bakuna.

Ayon kay Tolentino, dapat ay sa paghahanda pa lang ng kontrata sa pagbili ng mga bakuna ay nakapaloob na ang bond na ito.

Kailangan ring maisama sa kasunduan, ang probisyon na maaaring isauli ang mga bakunang dinonate kapag nag-expire, at maaari itong palitan.

Mainam rin aniyang maisama sa bubuuing rekomendasyon, na isali sa negotiating team ang end user o ang mismong gagamit ng bakuna, gaya ng Department of Health (DOH) at Office of the Solicitor General (OSG).

Sa nauna kasing ginawang negosasyon para sa mga COVID-19 vaccine, ang national task torce (NTF) at Department of Finance (DOF) lang ang kasama.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Tolentino kung may dapat managot sa mga nag-expire na mga bakuna.

Ayon kay Tolentino, maaaring sa Abril pa maglabas ang kanilang komite ng report tungkol sa naging pagdinig dahil hihintayin pa ang posisyon ng OSG. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us