Tumawag ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga taga-Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa pulong ay binigyang direktiba ni Pangulong Marcos ang DENR na paspasan ang paglilinis sa tagas ng langis sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindoro.
Tugon naman dito ni DENR Secretary Antonia Loyzaga, posible aniya nilang hingin ang asiste sa mga sundalong Amerikanong kalahok sa Balikatan Exercises ngayong taon para sa gagawing paglilinis sa kahabaan ng baybaying dagat na inabot na ng oil spill.
Inihayag ni Loyzaga sa Pangulo na binabalak nilang makipag-ugnayan sa US Embassy ukol sa posibilidad na makasali ang mga sundalong Kano sa clean-up drive.
Mayroon na rin aniyang alok ang insurance provider ng MT Princess Empress na magdala ng barko galing China para tapalan ang tagas ng lumubog na MT Princess Empress habang nagpahayag na umano sa kabilang banda ng kahandaan ang South Korea na tumulong din sa paglilinis.
Una dito ay inihayag ng Pangulong Marcos na nagsabi ang Japan ng pagnanais na umasiste na din sa clean-up drive. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President