Susubukan ngayong araw ng Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP) na magpadala ng mga imbestigador sa bumagsak na Cessna plane sa Isabela.
Kahapon nakahanda na sana ang lahat kabilang na ang sasakyan na helicopter ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng CAAP
pero hindi itinuloy ang pagpunta sa crash site dahil sa masamang lagay ng panahon.
Kabilang sa pakay sa imbestigasyon ang pag-recover sa mga parte ng Cessna plane tulad ng emergency locator transmitter na makatutulong sa imbestigasyon.
Sa ngayon hindi pa masabi kung human error, mechanical error, o dahil sa masamang panahon ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.
Nasa anim ang kumpirmadong patay sa aksidente. | ulat ni Don King Zarate