Inanunsiyo ng pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong Miyerkules, Marso 8, ang huling araw ng pgbibigay nito ng libreng sakay sa publiko.
Itoβy kasunod ng pag-anunsyo ng transport groups sa huling araw o pagtatapos ng kanilang isinasagawang nationwide strike ngayong araw.
Ang Oplan Libreng Sakay ay nagsimula nitong Lunes, Marso 6, at nakapag-serbisyo ng mahigit 8,000 pasahero.
Samanatala, ang asynchronous na klase para sa lahat ng pampublikong paaralan sa lahat ng antas sa Maynila ay magpapatuloy hanggang Sabado, Marso 11, 2023, gaya ng naunang inanunsyo. | ulat ni Paula Antolin