Nasa 20 Pilipino pa mula sa Turkiye ang inaasahang maiuuwi dito sa Pilipinas bago matapos ang buwan ng Marso.
May kaugnayan pa rin ito sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Turkiye noong nakaraang buwan.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega, na nasa 78 na Pilipino pa ang nanunuluyan sa itinayong shelter ng pamahalaan para sa mga apektado ng lindool sa Turkiye.
Gayunpaman, hindi naman aniya lahat ng ito ay nais na bumalik sa bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 49 na Pilipino na ang napauwi ng pamahalaan sa unang dalawang repatriation efforts na ipinatupad ng gobyerno.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng pamahalaan na maayos ang lagay ng mga napauwi sa bansa, at napaabutan na ng tulong ng gobyerno. | ulat ni Racquel Bayan