Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa first quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa MalacaΓ±ang, ngayong araw.
Eksakto alas-2 ng hapon, nagsimula ang drill. Matapos tumunog ang alarm bell, lumabas ng gusali ang pangulo, na nakasuot ng puting hard hat, at seryosong nakibahagi sa earthquake drill, sa pamamagitan ng pagsunod sa duck, cover, at hold protocol.
Bukod sa pangulo, nakibahagi rin sina: Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Speial Assistant to the President Antonio Lagdameo, National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo AΓ±o, Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, at Department of National Defense (DND) Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr.
Bukod sa government officials, maging ang mga kawani ng Office of the President, Office of the Executive Secretary, hanay ng Presidential Security Group (PSG), at maging ang mga chef ng MalacaΓ±ang ay nakibahagi rin sa earthquake drill, na tinatayang tumagal ng halos 10 minuto.
Matapos nito ay agad ring bumalik sa trabaho ang mga kawani ng Palasyo. | ulat ni Racquel Bayan