Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagulat siya sa ginawang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa ambush interview sa MalacaΓ±ang, sinabi ng Pangulo na napanood niya ang video, at hindi siya makapaniwala sa nangyaring karahasan, kung saan pinasok mismo ang tahanan ng opisyal at pinagbabaril ito.
“It was shocking. I couldn’t believe that this would still happen. Pinasok ba naman ang sarili niyang bahay. At tsaka when you see the video, talagang lahat– basta naharap sa kanila babarilin nila. Ilan ang pinatay nila, walang kinalaman sa kanilang gulo, kanilang away.” saad ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi katanggap – tanggap sa lipunan ang naganap na karahasan, at purely political ang kaso ng pagpaslang kay Degamo.
“Actually, if you think of the three cases that came in, iba-iba talaga. But then they started to become political. Yung dalawa, yung first two of the three, actually baka hindi political. Basta. But the other, ito this is purely political.” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa kasalukuyan, nangangalap na aniya ang mga awtoridad ng lahat ng impormasyon at mga testigo upang matukoy ang tunay na motibo ng mga krimeng ito.
“So far, maganda naman ang nagiging imbestigasyon. Marami silang nakukuhang information. Mabilis naman ang paghuli sa ating mga suspects. Sa ngayon meron pa rin tayong in hot pursuit. Basta’t sinara nila yung isang area and they’re conducting what they refer to as ‘drag net’ kung saan dahan-dahan, kung meron pa, ay iniipit sa isang lugar. So that’s what’s happening now.” βPangulong Marcos.
Habang, ipinag-utos na rin ng Pangulo na dagdagan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang presensiya sa lugar kung saan naganap ang karahasan.
“Meron tayong joint na yung army tsaka yung police and between them, I suggest keep your presence known, felt, para hindi magkagulo.” pahayag ni Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan