?????????? ??? ??????? ?? ????? ???????????, ?????? ?? ?????? ?? ???????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng Bureau of Immigration (BI) ang apat pang biktima ng human trafficking na tinangkang pumuslit patungong Singapore.

Ayon kay Ann Camille Mina, BI Travel Control and Enforcement Unit Chief, ang apat na biktima ay tinangkang sumakay ng Jetstar Airlines biyaheng Sinagpore.

Natimbrehan aniya sila ng NBI, Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at NAIA Task Force Against Trafficking sa pag-alis ng mga ito.

Napag-alaman na ang apat ay may escort na isang babaeng recruiter kasama ang isang apat na taong bata, kung saan sinabing empleyado sila ng manpower services pero hindi tugma ang kanilang mga salaysay, dahilan kaya umamin na nagbayad sila ng P10,000 bawat isa bilang down payment sa kanilang recuiter.

Dahil dito ay muli namang nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco hinggil sa mga illegal recruiter.

Ang biktima at recruiter ay na-turn over na sa IACAT para sa imbestigasyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us