Pinagbotohan na sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas para magtakda ng Pambansang Araw ng mga Magsasaka.
Sa viva voce voting ay pumasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7208 kung saan idedeklara ang January 22 ng kada taon bilang βNational Farmerβs Day.β
Layunin ng panukala na kilalanin ang mahalaga at makasaysayang papel ng mga magsasaka sa seguridad sa pagkain at pag-unlad ng ating ekonomiya.
Ipinaalala ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, pangunahing sponsor ng panukala, ang kahalagahan ng naturang petsa para sa mga magsasaka.
January 22, 1987 kasi aniya naganap ang βMendiola Massacreβ sa Maynila kung saan 13 magsasaka ang nasawi at marami ang sugatan.
βLet’s give our farmers the recognition that they deserve. Silang magsasaka ang nagtatanim para magkaroon ng pagkain sa bawat hapag. Kilalanin natin ang mahalaga at makasaysayang papel ng mga magsasaka sa pagsusulong ng katiyakan sa pagkain, ng katarungan at ng tunay na kalayaan sa ating bansa,β diin ni Brosas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes