Nagpsalamat si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa Estados Unidos sa kanilang donasyong kagamitan sa PNP, na nagkakahalaga ng $3.3 milyong.
Sa mensahe ni Gen. Azurin na binasa ni PNP Director for Logistics Police Major General Ronaldo Olay sa turnover ceremony sa Camp Bagong Diwa, Taguig ngayong araw, ipinaabot ng PNP Chief ang kanyang pasasalamat kay US Ambassador Marykay Carlson at sa US Embassy delegation.
Ayon sa PNP Chief, ang donasyon mula sa Office of the Anti-Terrorism Assistance Program of the Diplomatic Security Services of the American Embassy ay βgame changerβ sa kampanya ng PNP kontra sa terorismo at kriminalidad.
Ang mga kagamitan ay binubuo ng explosives counter measure kits kabilang ang bomb suits, 41 digital x-ray machines at pitong Ford Ranger pick-up trucks.
Sinabi ni Gen. Azurin, na malaking tulong ang mga bagong kagamitan sa pagpapalakas ng kakayahan ng PNP na pigilan at respondehan ang βterrorist threatsβ at iba pang βhigh risk situationsβ.
Sa kanyang panig, sinabi ni Amb. Carlson, na ikinararangal niya ang matatag na βpartnershipβ ng Pilipinas at Estados Unidos sa laban kontra terorismo, at kumpiyansa siya na sa malapitang pagtutulungan ay mapipigilan ng dalawang bansa ang mga banta ng terorismo. | ulat ni Leo Sarne
Photos: Lloyd Caliwan – PNA