Nakumpiska sa isinagawang operasyon Philippine National Police Drug Enforcement Group at ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang ibaβt ibang ilIgal na drogra na nagkakahalag ng P9,892,700.00 sa isang Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Ayon sa mga operatiba itoβy sa kabila ng napaulat sa kahina-hinalang inbound parcel na nasa isang cargo warehouse sa NAIA complex.
Ang naturang parcel ay may lamang ng mahigit 2.7g ng marijuana o kush, 17ml ng liquid marijuana, at mahigit 2,800 na piraso ng ecstasy.
Samantala, tini-trace na ng mga operatiba kung saan at kung sino ang nagmamay-ari ng naturang parcel. | ulat ni AJ Ignacio