Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga paaralan at magulang na i-monitor ang aktibidad ng mga mag-aaral para maiwasan ang mga insidente ng hazing.
Ang panawagan ay ginawa ni PNP Public Information Office Chief Colonel Red Maranan kasunod ng pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig dahil umano sa hazing.
Paalala ni Maranan sa mga fraternity, may umiiral na Anti-Hazing Law na habangbuhay na pagkabilanggo ang parusa.
Mula aniya 2012, ang pinakamataas na bilang ng insidente ng hazing ay 30 noong 2018, na tuloy-tuloy na bumaba sa lima noong 2022.
Paliwanag ni Maranan, papasok lang ang PNP kapag may paglabag na sa batas, kaya dapat aktibo din ang mga paaralan at magulang sa aspeto ng βpreventionβ, lalo paβt sa loob ng paaralan naka-base ang mga fraternity.
Samanta, sinabi ni Maranan na natukoy na ng mga imbestigador ang 17 pangalan ng mga sangkot umano sa pagkamatay ni Salilig at kasalukuyang pinaghahanap. | ulat ni Leo Sarne
?: Contributed