??? ?? ??? ??????????: ?????-??????? ?? ??? ?????? ????????, ???????? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga pamunuan ng fraternity na itaas ang lebel ng kanilang mga pamantayan para sa panghihikayat ng mga miyembro o recruitment.

Ito ay kasunod pa rin ng kaso ng pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig, na pinakabagong biktima ng hazing sa ilalim ng Tau Gamma Fraternity.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Azurin, na kailangang higpitan ng mga fraternity ang mga polisiya sa recruitment at bantayang maigi kung may ipinatutupad na initiation rites.

Binigyang diin pa ng PNP Chief, na ang hazing ay isang uri ng tradisyon sa mga sundalo noong panahon ng digmaan upang mapatunayang hindi sila makapagbigay ng impormasyon sa kanilang mga kaaway.

Ayon kay Azurin, wala na ang Pilipinas sa panahon ng digmaan at hindi na rin aniya ito nakasasabay sa takbo ng panahon kaya’t wala nang pangangailangan upang panatilihin pa ang ganitong uri ng tradisyon.

Para sa PNP Chief, kailangang pag-aralang maigi ng mga namumuno sa fraternity kung ilan na ang nasasawi matapos o habang sumasailalim sa initiation rites.

Dapat din aniyang suriing maigi ng mga ito, kung ang mga sangkot ba sa hazing ay nagiging masaya na may namamatay sa itinuturing nilang kapatid o kung ipinagmamalaki ba ng mga ito na may nasasawi sa kanilang hanay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us