Gagawaran ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Presidential Kampilan Award ang Class Valedictorian ng Philippine National Police Academy (PNPA) Masidtalak Class of 2023 ngayong umaga sa Camp General CastaΓ±eda Silang Cavite.
Bukod sa Presidential Kampilan Award, tatanggapin din ni Cadet Francis Geneta ng Naujan, Oriental Mindoro, ang Chief, PNP Kampilan Award sa kanyang pag-graduate sa unang pwesto mula sa 208 kadete na magtatapos ngayong umaga.
Kabilang sa Top 10 ng graduating class ang limang babaeng kadete na sina: Jail Cadet Mary Louise Moyano (Rank 3); Police Cadet Claire Gean Pambid (Rank 5); Police Cadet Gezelle Sadian (Rank 6); Fire Cadet Gillian Torlao (Rank 7) at Police Cadet Kimberly Cruz (Rank 10).
Ang iba pang nagtapos sa top 10 ay sina: Police Cadet John Rafael Desiderio (Rank 2); Fire Cadet Eden Jhun Santos (Rank 4); Police Cadet Jefferson Mamauag (Rank 8); at Police Cadet Patrick John Alabado (Rank 9).
Sa 208 miyembro ng Masidtalak Class 2023, 186 ang tutuloy sa PNP; 11 ang papasok sa Bureau of Fire Protection (BFP), at 11 ang magiging miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). | ulat ni Leo Sarne
?: PNPA