Kinilala ang biktima na si Fortunato Jacinto, 59 taong gulang at residente sa Purok Pulotan, Barangay Awasian, Tandag City.
Ayon sa salaysay ng live-in partner ng biktima, pinasok ang kanilang bahay ng mga armadong kalalakihan at matapos maigapos si Jacinto ay pinagbabaril ito.
Na-recover ng rumespondeng pulis sa pinangyarihang krimen ang tatlong basyo ng bala ng 5.56 mm. at isang fired cartridge ng .45 caliber pistol.
Kinumpirma ni RD Labra na ang mga gumawa ng krimen ay miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ng Guerrilla Front 30, Northeastern Mindanao Regional Committee. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan