??? ?????? ?? ?????? ?? ?????, ???????? ?? ????? ??????? ?? ???????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng mga operatiba ang mahigit sa P6,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang Oplan Galugad sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Michael Manog alyas Bibet 18 taong gulang.

Nabatid na nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa may Kabulusan II, Barangay 22, Caloocan City.

Sinita ng mga pulis ang suspek dahil sa paglabag nito sa ordinansa ng lungsod na paninigarilyo sa pampublikong lugar

Tumakas ang suspek at sa maikling habulan, nasukol ang suspek at nakuha sa kanya ang halos isang gramo ng hinihinalang shabu

Reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang isasampa laban sa suspek. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us