Nakatangap ng aabot sa โฑ2.5-million pesos na tulong pinansyal ang Philippine Red Cross mula sa Senado para sa mga naapektuhan ng lindol sa bansang Turkiye.
Ayon kay Philippine Red Cross Chairman and CEO at dating Senador Richard Gordon na malaki ang maitutulong nito sa mga mamamayan ng Turkiye dahil sa napakalaking pinsala ng tumamang lindol sa naturang bansa.
Kaugnay nito, nakatakdang magpadala ang SM Foundation ng mga generator sets para sa maayos na supply ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng Turkiye.
Nagpasalamat naman si Gordon sa mga senador na nagpaabot ng kanilang personal na donasyong pinansyal para sa mga naapektuhan ng lindol sa bansang Turkiye. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
?: PNA