Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang resolusyon na nagpapahayag ng pakikiramay sa pamilya ng pinaslang na gobernadora ng Negros Oriental na si Gov. Roel Degamo.
Tinukoy sa House Resolution 837 si Degamo bilang isa sa iilang politiko na tinupad ang mga pangako at nagbigay ng pinakamaayos na serbisyo publiko.
โA decent man of action, Governor Roel Degamo was one of the rarest breeds in politics who accomplished almost all of his campaign promises and whose tireless efforts to extend the best quality of service to improve the lives of his people is beyond compare. As testaments of his successful efforts to bring government service to the people and transparency in various government transactions, the Province of Negros Oriental under the leadership of Governor Roel Degamo received multiple recognitions, commendations and awards,โ saad sa resolusyon.
Ang biglaan at karumaldumal na pagkawala ni Gov. Degamo ay nag-iwan umano ng malalim na kalungkutan hindi lang sa kanyang pamilya ngunit maging sa kaniyang nasasakupan.
Naniniwala din ang mga mambabatas na maaalala si Degamo bilang masipag at masigasig na public servant.
Sabado ng umaga, March 4 nang tambangan si Degamo.
Bibigyan ng kopya ng resolusyon ang naiwang pamilya ng gobernador.
Inihain nina Speaker Martin Romualdez, House Majority Leader Mannix Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, at Tinggog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. I via Kath Forbes