????????? ?? ?????????? ???????? ???????????? ?? ???? ??????? ??????, ???????? ?? ?????????? ?? ??? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit ang gagawing pagbabantay ng mga awtoridad sa isasagawang Palarong Panlalawigan sa Sulu sa loob ng limang araw umpisa ngayong araw na ito hanggang sa ika-16 ng buwang kasalukuyan taong 2023.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Jolo kay PCol. Narciso Paragas, Provincial Director ng Sulu Police Provincial Office, nakalatag na lahat para sa seguridad sa apat na sulok ng Sulu Provincial Sports Complex sa barangay Bangkal, Patikul at sa iba pang lugar na pagdarausan ng palaro.

Kasabay nito ang pagtitiyak na maayos na magaganap ang naturang aktibidad, sa tulong ng mga pulis mula sa ibaโ€™t ibang unit tulad na lamang ng 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company o PMFC, tatlong municipal police station na sakop ng Metro JIP o ang Jolo, Indanan at Patikul gayundin ang Traffic Management Task Group ng Sulu PPO.

Hindi pa rin nagpapaka-kampante ang pamunuan ng Sulu PPO kahit maayos na ang peace and order ng lalawigan.

Prayoridad pa rin ng mga pulis ang kaligtasan ng mga delegasyon at iba pang residente na magtutungo sa lugar upang manood. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us