Pinagtibay ng Mataas na Kapulungan ang Senate Resolution 480 na nagpapahayag ng simpatya at pakikiramay sa mga naging biktima ng malakas na lindol na tumama sa Turkiye at Syria noong Pebrero.
Nagresulta ang naturang lindol ng pagkasawi ng nasa 50,000 na katao sa naturang mga lugar.
Present sa Senado si Turkish Ambassador Niyazi Evren Akyol para personal na tanggapin inaprubahang resolusyon ng Senado.
Kasabay nito ay nagkaroon ng ceremonial turnover para sa P2.5-million na donasyon ng mga senador para sa mga biktima ng lindol sa Turkiye.
Binigay ng mataas na kapulungan ang donasyon sa earthquake relief efforts ng Philippine Red Cross (PRC) at personal namang tinaggap ni PRC Chairman at dating Senador Richard Gordon ang donasyon ng Mataas na Kapulungan.
Nagpasalamat naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang mga kapwa senador na nagbigay ng tig-P100,000 mula sa kanilang mga sariling bulsa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion