Nanawagan si Senadora Grace Poe sa mga law enforcement agencies na mas paigtingin pa ang kampanya ng pamahalaan sa pagsugpo ng krimen sa bansa.
Itoβy sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng pamamaril at tangkang pagpatay ng mga opisyal ng gobyerno sa ating bansa.
Ayon kay Sen. Poe, nakababahala ito lalo naβt kahit umaga ay nagagawa ng mga masasamang elmento na pumatay ng walang habas.
Dagdag pa ng senadora na kinakailangan nang masupil ito bago pa maulit ang ganitong klaseng pagpatay sa mga opisyal ng pamahalaan. | ulat ni AJ Ignacio