???.??????????, ??????? ?? ?????????? ???? ???????????? ??? ???? ?? ???????? ?? ??? ?????? ????????? ?? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain na ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para imbestigahan ang pagpatay sa iba’t ibang opisyal ng gobyerno sa ating bansa.

Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 518, layong imbestigahan ng Senado ang kabi-kabilang insidente ng pagpatay sa mga lokal na opisyal, isa na rito ay si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Dagdag pa ni Hontiveros, nakababahala na ang mga insidente ng pagpatay sa mga opisyal ng pamahalaan kung saan sa unang buwan ng bagong administrasyon ay umabot na sa pitong public officials ang natambangan at napatay.

Kinakailangan din aniya na matalakay ang issue kasama ang Commission on Elections o Comelec para sa alamin ang iba pang mga pagtatalo at karahasang may kaugnayan sa eleksyon sa bawat lugar o probinsya sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us