???. ????? ???????, ????????? ?? ???? ??????? ??? ???-??? ????? ?????? ????? ?? ?????? ?? ??????? ?? ????????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan na ni Senador Robin Padilla na hindi talaga makakakuha ng kinakailangang two thirds vote ng mga senador ang isinusulong niyang charter change (cha-cha) sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).

Ito lalo na aniya kung hindi makakarating at maipipresinta sa plenaryo ng Senado ang naturang panukala.

Ang pahayag na ito ay kasunod na rin ng pagsabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na walang sapat na bilang ng mga senador na susuporta sa cha-cha at halos kalahati ng mga senador ang tutol dito.

Sa kabila nito, pursigido pa rin si Padilla na ipagpatuloy ang pagsusulong ng cha-cha hangga’t aniya siya ay nakaupong senador.

Hindi naman aniya siya maaaring pigilan ni Zubiri na gawin ang kanyang trabaho.

Giit ng mambabatas, bilang pinuno ng senado ay trabaho ni Zubiri na pangalagaan ang karapatan ng bawat senador. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us