???. ??????: ????????????? ???????? ??? ??????? ???? ???????????? ??? ??????? ?? ??? ?????????? ?? ?????? ??????? ?? ?????????? ????????? ?? ???-???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaliwanag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang gagawing executive session ng Kamara at Senado tungkol sa panukalang charter change (cha-cha) ay bilang pagtugon sa panawagang ceasefire ni Representative Elpidio Barzaga sa nangyayaring diskusyon sa cha-cha.

Sinabi ni Zubiri, na mas mainam na magkaroon muna ng caucus ang dalawang kapulungan ng Kongreso tungkol sa usapin, kung saan mas magkakaroon ng produktibong diskurso sa halip na sa publiko magpalitan ng mga pahayag.

Ito rin aniya ang dahilan kaya sinabihan niya si Senador Robin Padilla, na ipagpaliban muna ang imbitasyon sa mga mambabatas bilang resource person sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Constitutional Amendments.

Pinunto pa ng senate president, na base sa tradisyon ay hindi inimbitahan ng senado ang mga nakaupong miyembro ng Kamara bilang resource person, dahil ginagawaran sila ng tinatawag ng interparliamentary courtesy bilang mga miyembro ng isang co-equal branch.

Kadalasan aniyang iniimbitahan ng senado ang mga kongresista bilang mga panauhin, at hindi resource persons na maaaring i-interpellate o gisahin.

Iniiwasan rin aniya ang senaryo na magkakaroon ng mainit na argumento sa magkakaibang opinyon.

Sa naging pag-uusap rin aniya nila kagabi ay sumang-ayon rin si House Speaker Martin Romualdez, na dapat manatili ang tradisyon at respetuhin ang interparliamentary courtesy.

Ibinahagi ni Zubiri, na ang executive session sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso ay maaaring isagawa sa session break.

Sa March 25 na magsisimula ang session break ng kongreso. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us