Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may bigat ang hawak nilang video footage na sinasabi nitong ebidensya para matukoy ang masterminds sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay Guevarra, sa kanilang video evidence ay makikita na magkausap ang suspek sa pagpatay kay Degamo at ang sinasabing mastermind ng krimen.
Paliwanag ni Remulla na may probative value o may bigat ang naturang ebidensya dahil madalas nang ginagamit ngayon ang mga video pagdating sa pag-uusap.
Pero sa kabila nito ay hindi naman nagbigay ng ibang detalye si Remulla sa pagkakakilanlan ng mastermind sa krimen. | ulat ni Lorenz Tanjoco