??????? ?????????, ????? ?? ??? ?????????? ?? ???. ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn


Wala pa ring komunikasyon sa pagitan ni House Speaker Martin Romualdez at Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo β€œArnie” Teves.

Sa statement na inilabas ng Office of the Speaker, nakasaad na wala pang natatanggap na anumang komunikasyon si Speaker Romualdez mula kay Teves, mula nang payuhan nito ang Negros Oriental solon na umuwi na ng bansa.

March 9 nang mapaso ang travel authority na ibinigay ng Kamara kay Teves para sa kanyang personal na biyahe sa Estados Unidos.

Dagdag pa ni Romualdez, nangako naman na ang pambansang pulisya na bibigyan ng proteksyon si Teves sakaling hilingin ito ng mambabatas.

Sa hiwalay na pahayag ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nito na nais makausap ni Teves si Speaker Romualdez para maiparating ang mahalagang impormasyon.

β€œI have yet to receive any communication from Cong. Arnie since I appealed to him to return home. I expect Cong. Arnie to heed my appeal and report for work as soon as possible. His stay outside the country is no longer authorized by the House of Representatives. Nagsalita na ang mga opisyal ng PNP. They are willing to provide security to protect him from bodily harm. All Cong Arnie needs to do is make the appropriate request. Our law enforcers cannot extend this protection outside the Philippines.” ani Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us