Pinangunahan ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) CALABARZON ang groundbreaking ceremony ng itatayong Super Health Center sa Brgy. Kabulusan, Magallanes, Cavite.
Ginawa ang seremonya katuwang sina Magallanes Mayor Jasmine Angeli Maligaya-Bautista at Vice Mayor Jesus Antazo.
Ito ang Kauna-Unagang Super Health Center na itatayo sa probinsya na inisyatibo ni Senator Christopher βBongβ Go.
Ayon sa alkalde, layon ng proyektong maserbisyuhan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng atensyong medikal lalo na sa mga liblib na lugar.
Lubos aniya ang kanilang pagpapasalamat dahil ramdam nila ang serbisyo at malasakit ng senador sa kanilang lugar. | ulat ni Janze Macahilas