Maglalabas ng Memorandum Order ang Land Transportation Office (LTO) hinggil sa price cap ng driving schools sa buong Pilipinas ngayon buwan.
Sa isang forum, sinabi ni LTO Chief Jose Arturo Tugade na itoβy bilang tugon sa mga ulat na kanilang natatangap na umaabot sa P18,000 ang magagastos mula driving school hanggang sa pagli-lisensya nito.
Dagdag pa ni Tugade na ang kanilang ilalabas bago matapos ang buwan ng Marso ay standard fees dahil wala umanong suggested fees sa driving schools ang LTO at ang naturang presyo ay nasa maximum fee na.
Kaugnay nito, magsasagawa ang LTO ng consultative meeting sa mga stakeholders driving school companies para malaman ang kanilang hinaing. | ulat ni AJ Ignacio