Naniniwala ang ekonomistang si Dr. Micheal Batu na kayang madetermina ng itinatag na Interagency Task Force on Food Security kung may cartel o price manipulation sa isang produktong pang- agrikultura.
Sa kamakailang Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Batu na sa pamamagitan ng itinatag na Interagency Task Force ay maaari ding malaman kung sadyang may kakulangan ng suplay o mataas na demand ng isang produkto.
Umaasa din si Batu na sa pamamagitan ng Task Force on Food Security ay maaayos ang pagpo-forecast ng demand at supply ng mga agricultural products.
Sa ganitong paraan ayon sa ekonomista ay magiging maayos ang pagpaplano sa pag- aangkat ng mga produktong pagkain at maiiwasan ang pag-iimport sa panahon ng anihan o harvest season. | ulat ni Alvin Baltazar