Nakatakdang ilunsad ng Department of Health CALABARZON ang TEENDig KABATAAN! Kalusugan ay Pahalagahan” Project sa Antipolo City, Rizal.
Katuwang nila ang Department of Education at pamahalaang lungsod ng Antipolo.
Ilulunsad ito simula alas-9:00 ng March 20 sa Antipolo National High School na magsisilbing pilot school ng programa bago ito ilunsad sa 31 congressional districts sa rehiyon.
Hatid ng programa ang adolescent-friendly na pasilidad na kumpleto sa mga health device and instrument.
Handog nito ang iba’t ibang serbisyo gaya ng general health assessment history and physical examination, health lifestyle counseling, substance abuse counseling, cancer prevention counseling, psychosocial risk assessment and management, at reproductive health assessment and counseling.
Layunin ng programang isulong ang pangangalaga sa kalusugan ng mga kabataan at mabigyan ng access sa mga health services. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.