Temporary AICS screening site ng DSWD sa QC Circle, bukas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang pinilahan ng mga nais humingi ng tulong ang QCX dito sa Quezon City Memorial Circle kung saan pansamantalang inilipat ang STEP 1 sa pagkuha ng tulong sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office.

Alas-5 ng umaga nagbukas ang temporary site pero alas-4 pa lang ng madaling araw ay may mga pumila na.

Accessible naman ito sa publiko dahil malapit lang ang lokasyon nito sa Philcoa entrance ng Quezon City Memorial Circle.

Kaugnay nito, hindi maiwasan na may ilan pa ring mga nalito sa paglilipat ng DSWD Central Office ng kanilang AICS screening site kaya naman may mga dumadating pa rin ngayon na unang pumila sa kanilang tanggapan sa Batasan.

May ilan ding nakatyempo sa libreng shuttle service ng DSWD na naghahatid mula sa Batasan Office patungo dito sa Circle at vise versa para sa mga pupunta naman sa Step 2 o mismong payout na.

Kadalasang funeral at medical assistance ang hinihingi ng mga pumipila dito. Maayos naman ang proseso sa ngayon at agad nakakapasok ang mga kliyente basta kumpleto ang kanilang mga dalang dokumento.

Tatanggap ang DSWD ng mga kliyente sa temporary site ng alas-5 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Hinikayat naman ng DSWD ang iba pang kliyente na bukod sa Central Office ay maaari rin silang pumila sa mga DSWD Field Offices at iba pang satellite offices. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us